Maglagay ng Ekwasyon o Problema
Hindi nakikita ang input ng camera!

Tiger Algebra Kalkulator

Mga sunod-sunod na aritmetiko

Ang isang sequence ng aritmetiko, o progresyon ng aritmetiko, ay isang hanay ng mga numero kung saan ang diperensya sa pagitan ng sunod-sunod na mga term (mga term na nagmumula sa isa't isa) ay palaging pareho. Tinatawag itong karaniwang kaibahan. Halimbawa, lahat ng konsikutibong mga term sa sequence ng aritmetiko:
1,4,7,10,13,16,19,...
ay mayroong karaniwang kaibahan na 3.
Tandaan: Ang tatlong tuldok (. . .) ay nangangahulugang ito sequence ay walang hanggan.

Kahit na maaari ring gamitin ang iba, karaniwang ginagamit ang mga sumusunod na variable para ipakita ang mga term ng isang sequence ng aritmetiko:
a1 ay nagpapakita ng unang term ng sequence. Sa halimbawang ito, a1=1
an ay nagpapakita ng nth term (isang term na sinusubukan nating mahanap).
d ay nagpapakita ng karaniwang kaibahan sa pagitan ng sunod-sunod na mga term. Sa halimbawa, d=3
n ay nagpapakita ng bilang ng mga term na nasa sequence. Sa halimbawa, n=7

Ang standard form ng mga sequence ng aritmetiko ay maaaring maipahayag bilang: a,a+d,a+2d,a+3d,a+4d,a+5d...
a ay nagpapakita ng unang term at minsan ay sinusulat bilang a1.
d ay nagpapakita ng karaniwang kaibahan.

Mga Formula

Paghahanap ng anumang term (an) sa isang sequence ng aritmetiko:
an=a+d(n-1)

a ay nagpapakita ng unang term..
d ay nagpapakita ng karaniwang kaibahan.
n ay nagpapakita ng posisyon ng isang term sa sequence.
Isang sequence na may n na bilang ng mga term ay sinusulat bilang:
a,a+d(2-1),a+d(3-1),a+d(4-1),a+d(5-1),a+d(6-1)...a+d(n-1)
na kung saan ang huling term ng karaniwang kaibahan ay sinasabayan ng n-1 (dahil ang d ay hindi ginagamit sa 1st term).

Halimbawa: Upang hanapin ang susunod na term sa:
1,4,7,10,13,16,19...
na magiging ang ika-8 term, kailangan nating ilagay ang mga sumusunod sa pangkalahatang formula ng term an=a+d(n-1):
a (unang term) =1
d (karaniwang kaibahan) =3
n (bilang ng term) =8
Ito ay magbibigay sa atin ng:
a8=1+3(8-1) na kung saan maaari nating malutas para makuha ang a8=22.
Kaya, ang ating sequence ay: 1,4,7,10,13,16,19,22...

Paghahanap ng kabuuang halaga ng lahat ng mga term sa isang sequence ng aritmetiko:
s=n(a1+an)/2

s ay ang kabuuang halaga ng mga term sa sequence.
a ay nagpapakita ng unang term.
n ay nagpapakita ng posisyon ng isang term sa sequence.
d ay nagpapakita ng karaniwang kaibahan.
Halimbawa: Upang mahanap ang kabuuang halaga ng:
1,4,7,10,13,16,19... kailangan nating ilagay ang mga sumusunod sa formula ng kabuuang halaga s=n(a1+an)/2 :
n (kabuuang bilang ng mga term)=7
a (unang term)=1
an (ang huling term)=19
Ito ay magbibigay sa atin ng:
s=7(1+19)/2 na kung saan maaari nating malutas para makuha ang s=70.
Kaya, ang kabuuang halaga ng sequence ay: 70
Ang Tiger ay nag-aidentify ng mga sequence ng aritmetiko at nagpapakita ng kanilang mga term, kung magkano ang kabuuan ng kanilang mga term, at ng kanilang eksplisit at rekursibong mga form.